hindi ko alam..

Posted on September 1, 2009 by geyteen.
Categories: Uncategorized.

hindi ko alam kung paano ‘to sisimulan,

dahil hindi ko naman talaga ito napaghandaan.

inaamin ko na sa BUONG buhay ko marami na rin akong lalaking nagustuhan,

pero sa lahat ng yun, ikaw lang ang hindi ko kayang kalimutan.

hindi ko alam kung hanggang kailan,

pero ang alam ko, mamahalin kita oras ay huminto man.

hindi natin masasabi lahat ng pwedeng mangyari

pero pinapangako ko na ako pa rin ay magiging iyong pagmamay-ari.

hindi ko alam kung hanggang saan

pero sana huwag kang sumuko hanggang patuloy tayong nagmamahalan.

mawala man ako sa tabi mo,  mahal na mahal pa rin kita.

alisan man ako ng hininga, ikaw lang ang patuloy na inaalala.

hindi ko alam kung bakit ganito

malamang, siguro ay dahil sa’yo.

ikaw at ang buo mong pagkatao

ay lubos na nagbibigay ng kaligayahan sa buhay ko.

hindi ko alam kung bakit minsan nakakalungkot.

siguro ay dahil mayroon akong nararamdamang takot,

na makaligtaan ng isip mo

at tuluyang mawala sa PUSO mo.

higit sa lahat…

hindi ko alam kung bakit IKAW

IKAW na isa lamang simpleng ikaw.

IKAW na minamahal ko ng totoo.

IKAW na nagpapasaya ng dating malungkot na buhay ko.

for my one and only TRUE LOVE.[♥]jaycee[♥]

hinding hindi na ako magmamahal ng ibang lalake bukod sa’yo.

PANGAKO..

buhay pag-ibig..

Posted on February 18, 2009 by geyteen.
Categories: Uncategorized.

ang buhay natin ay hindi laging masaya..

may mga kasawiang madarama.

sa ating buhay pag-ibig ito’ng kasawia’y makikita,

sa tuwing hindi tayo ang mahal ng ating sinisinta.

madalas, kinakailangan nating magparaya

hindi dahil tayo’y sumusuko na talaga

kundi para na rin sa kanyang ikakaliligaya

at nilang dalawa, kahit na ito’y may sakit na dala.

ngunit may pagkakataong ang pag-ibig na ito

ang siya ring nagbibigay ng lubos na kaligayahan sa iyo.

kaya kahit na anong mangyari, ang pag-ibig na ito’y di maalis sa puso mo.

napakasakit pero un ang totoo.

(haha, w8 lng ah? natatawa nakO sa sariLi ko)

at maiisip mo na lang na ang lahat ng iyon ay talagang di para sa’yo

ngunit sa puso’t isip mo ay umaasa ka pa rin na balang araw ay magiging kayo.

napa-kilig, naluha, napa-tawa o nalungkot ka man

di nito maalis ang mahiwagang buhay pag-ibig na iyong naramdaman.

bow! ehe.. aus ba?

nagawa ko to habang tinatype kO ang project ng bestfriend ko. hihi..

paxnxa na kung hindi kagandahan.

atlis ngtry dba?

bkt naman kc kung sinO ung gs2 mO siya ung dika gs2 at ung gs2 ka un ang dmO gs2??

haaaii. well

at ang masasabi kO lang ay…

THAT’S LOVE, THAT’S LIFE

Hello world!

Posted on February 6, 2009 by geyteen.
Categories: Uncategorized.

Welcome to Friendster Blogs. This is your first post. Edit or delete it, then start blogging!