hindi ko alam..

hindi ko alam kung paano ‘to sisimulan,

dahil hindi ko naman talaga ito napaghandaan.

inaamin ko na sa BUONG buhay ko marami na rin akong lalaking nagustuhan,

pero sa lahat ng yun, ikaw lang ang hindi ko kayang kalimutan.

hindi ko alam kung hanggang kailan,

pero ang alam ko, mamahalin kita oras ay huminto man.

hindi natin masasabi lahat ng pwedeng mangyari

pero pinapangako ko na ako pa rin ay magiging iyong pagmamay-ari.

hindi ko alam kung hanggang saan

pero sana huwag kang sumuko hanggang patuloy tayong nagmamahalan.

mawala man ako sa tabi mo,  mahal na mahal pa rin kita.

alisan man ako ng hininga, ikaw lang ang patuloy na inaalala.

hindi ko alam kung bakit ganito

malamang, siguro ay dahil sa’yo.

ikaw at ang buo mong pagkatao

ay lubos na nagbibigay ng kaligayahan sa buhay ko.

hindi ko alam kung bakit minsan nakakalungkot.

siguro ay dahil mayroon akong nararamdamang takot,

na makaligtaan ng isip mo

at tuluyang mawala sa PUSO mo.

higit sa lahat…

hindi ko alam kung bakit IKAW

IKAW na isa lamang simpleng ikaw.

IKAW na minamahal ko ng totoo.

IKAW na nagpapasaya ng dating malungkot na buhay ko.

for my one and only TRUE LOVE.[♥]jaycee[♥]

hinding hindi na ako magmamahal ng ibang lalake bukod sa’yo.

PANGAKO..



Leave a Reply